^

Bansa

Sekretarya ni Nida bagsak sa ikalawang lie test

-
Bumagsak sa ikalawang lie detector o polygraph test si Elena dela Paz, ang personal na sekretarya ng pinaslang na aktres na si Nida Blanca, na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon.

Ang polygraph test na tumagal nang siyam na oras ay natapos bandang alas-4 kahapon ng madaling araw.

Sa nasabing eksaminasyon, maraming bagay ang hindi tumutugma sa naunang kasagutan ni dela Paz na nagbigay daan upang lalong magduda ang NBI na talagang mayroong itinatagong lihim ang dating avid fan sa loob ng 42 taon ni Blanca.

Bagamat pumasa sa unang lie test si dela Paz ay natitiyak ng NBI na mayroon pa rin itong ilang bagay na inililihim bunsod para muling isalang ng NBI sa lie detector exam ang naturang personal assistant ni Blanca upang masala ang mga impormasyon na gustong mabatid ng mga imbestigador.

Ayon naman kay Interpol Chief Atty. Ric Diaz at spokesperson ng Nida murder case, naniniwala siya na maraming alam si dela Paz na hindi nito sinabi sa kanila tulad na lamang na hindi siya marunong gumamit ng cellphone ngunit napatunayan na marunong palang gumamit.

Magaling umanong magkontrol ng emosyon si dela Paz kaya marahil pumasa ito sa unang lie test.

Tulad ni dela Paz, duda pa rin ang NBI kay Rod Strunk kaya itinakda ang muling pagsasailalim dito sa polygraph exam sa darating na Martes kahit na bantulot o parang ayaw pumayag ang tatlong abugado nito.

"Kailangan na namin siyang isailalim sa eksaminasyon para malaman kung ano ang dapat na malaman sa kasong pagkamatay ni Ms. Blanca," sabi ni Diaz.

Ayon naman kay NBI Director Reynaldo Wycoco, kung hindi pahihintulutan ng tatlong abugado ni Strunk na sina Attys. Dennis Manalo, Joel Lazaro at Alma Mallonga na hayaan na sumailalim sa lie detector test ang kanilang kliyente, ipatatawag nila ang mga ito para sila ang magpa-lie test, ang pagbibirong sinabi ni Wycoco.

"Ang hindi namin maintindihan ay kung bakit masyado nilang (mga abugado) binibigyan ng proteksiyon ang kanilang kliyente na si Strunk, samantalang kaya namin ipinatawag ito (Strunk) ay bilang testigo at hindi isang suspek," ang sabi ni Wycoco.

Kung matatandaan, inabot ng 13 oras ang interogasyon kay Strunk nang imbitahan ito ng NBI. Sa 88 katanungan, anim dito ang hindi niya nasagot. (Ulat ni Grace Amargo)

ALMA MALLONGA

AYON

DENNIS MANALO

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

GRACE AMARGO

INTERPOL CHIEF ATTY

JOEL LAZARO

PAZ

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with