^

Bansa

Solusyon sa lumalalang basura: Incinerator papayagan na

-
Pag-aaralan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso na amyendahan ang Clean Air Act at payagan na ang paggamit ng incinerator sa bansa upang mabigyan ng solusyon ang lumalalang problema sa basura.

Ang desisyon sa paggamit ng incinerator ay binuo nina Senate President Franklin Drilon at Speaker Jose de Venecia matapos makita ang matagumpay na proyektong ito sa London kung saan matatagpuan ang pinaka-modernong incinerator.

Ayon kay de Venecia, panahon na para rebisahin ang Clean Air Act at masusing pag-aaralan ang paggamit ng incinerator sa bansa.

Bukod sa incinerator, isusulong din ng Kongreso ang landfill garbage recycling operation sa Pilipinas.

Magugunitang ipinagbawal sa Pilipinas ang paggamit ng incinerator sa ilalim ng CAA dahil sa paniniwalang nakakadagdag ito sa polusyon sa hangin.

Sina de Venecia at Drilon ay kasalukuyang nasa London kasama ang iba pang mambabatas dahil na rin sa imbitasyon ng British parliament. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

AYON

BUKOD

CLEAN AIR ACT

DRILON

INCINERATOR

KONGRESO

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

PILIPINAS

SPEAKER JOSE

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with