^

Bansa

'Black October Affair' minamatyagan

-
Minamatyagan ngayon ng Philippine National Police ang isa na namang destabilization plot laban sa administrasyong Arroyo na plano umanong ilunsad sa buwang ito ng hindi pa nakikilalang grupo.

Ayon kay PNP Spokesman, C/Supt. Crescencio Maralit, patuloy nilang bineberipika ang nakalap nilang impormasyon hinggil sa umano’y kudeta na isasakatuparan sa pamamagitan ng marahas na mass protest.

Bagaman hindi kinukumpirma, matunog ang balita na mga kaalyado ni dating Pangulong Estrada ang nasa likod ng naturang destabilisasyon.

Kasabay nito, nagbanta ang Young Officers Union (YOU) na magsasagawa sila ng malakihang pagkilos laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno matapos ang ibinigay nilang palugit sa mga ito para lisanin ang kanilang mga puwesto.

Ayon kay YOU chairman Supt. Rafael Cardeno, nitong Oktubre 17 ay natapos na ang taning na ibinigay nila sa mga tinitiktikang corrupt na government officials sa ilalim ng administrasyong Aroyo. "Naka-ready na ang grupo, naghihintay na lang sa mga concerned citizens to go to the streets. Rest assured, we will be with the public and we will do things never done before," banta ni Cardeno.

Tinututukan rin ng YOU ang isinasagawang pagdinig ng Senado laban kay First Gentleman Mike Arroyo na nahaharap sa kontrobersiya hinggil sa umano’y ilegal na paggamit ng pondo ng PCSO. (Ulat ni Joy Cantos)

AROYO

AYON

BAGAMAN

CRESCENCIO MARALIT

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JOY CANTOS

PANGULONG ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAFAEL CARDENO

YOUNG OFFICERS UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with