$ 1-M alok ng FBI sa anthrax
October 20, 2001 | 12:00am
Naglaan na ng $1 milyong pabuya ang Federal Bureau of Investigation (FBI) sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pinagmumulan ng pagpapakalat ng perwisyong anthrax bacteria.
Ayon kay FBI Director Robert Muller, handang gumastos ang America ng $1 milyon bilang reward sa sinumang makapagsusumbong sa ahensiya para mahuli ang naghahasik ng lagim ng anthrax.
Ang pahayag ay bunsod ng panibagong kaso ng anthrax na iniulat sa New Jersey. Isang postal worker dito ang positibong nasuri sa skin anthrax. Ang nasabing mail carrier ang siyang nagdeliber ng mga sulat na may anthrax sa US Congress at NBC News. Bunga nito, anim katao na ang iniulat na nadapuan simula ng kumalat ang germ warfare agent.
Samantala, umabot na sa Latin America ang anthrax scare. Hindi na umano nagbubukas ng mga sulat ang mga residente sa Baja California, Mexico hanggang Buenos Aires at lahat ng mga postal officers sa mga lugar na ito ay takot hawakan ang libong mga piraso ng letters na galing America sa takot na madapuan ng bacterium.
At habang nasisindak ang buong mundo sa anthrax, mabenta naman ang anti-anthrax antibiotics sa Taiwan kung saan narito ang isa sa pinakamalaking manufacturer ng Ciflodial tablets, ang gamot na nagtataglay ng anthrax-fighting cirpofloxacin antibiotic.
Ayon sa China Chemical & Pharmaceutical Co, gumagawa at nagdi-distribute ng Cipro tablets, ang sales sa 500 mg ng nasabing tableta ay tumaas sa T$1.2 million (US$34,780) per month mula sa dating T$500,000.
"After news of anthrax cases spread, sales of our antibiotics have more than doubled. I even heard that people bought our drugs and took them to their relatives in the United States," wika ni Sun Yin-nan, vice president ng kumpanya.
Kaugnay nito, muling inulit ng FBI ang kanilang babala na anumang oras sa mga susunod na linggo ay handang pakawalan ng mga terorista ang tatlo pang kinatatakutang biological virus.
Target umano ng mga terorista na ikalat ang ebola, bubonic plague at smallpox viruses sa mga bansang hayagan ang pagsuporta sa US.
Nabatid na ang mga matataas na gusali, subways at iba pang mataong lugar ang pupuntiryahin para pakawalan ang nasabing mga deadly virus. (Ulat ng Reuters at Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended