Asawa ni Abu Sabaya arestado
September 30, 2001 | 12:00am
Isang hinihinalang babaeng terorista na umanoy asawa ni Abu Sayyaf spokesman Abu Sabaya ang inaresto matapos salakayin ang tinutuluyan nitong kuwarto sa Manila Hotel kamakalawa.
Kinilala ang suspek na si Violeta Malikdan na kasalukuyan pa ring sumasailalim sa interogasyon.
Nabatid na simula pa nitong Abril naka-check-in sa Manila Hotel ang suspek at ang pagkakaaresto sa kanya ay matapos mamonitor ang marangya nitong paggastos kung saan ang ibinabayad ay American dollars.
Gayunman, kinukumpirma pa rin ng pulisya kung may kaugnayan si Malikdan sa report na plano ng Abu Sayyaf na magsagawa ng pambobomba sa Metro Manila.
Nakumpiska kay Malikdan ang nine rounds ng caliber 9mm bullets at $50,000 cash nang pasukin ng mga pulis ang Room 801 ng naturang hotel na tinutuluyan nito.
Nakuha din sa suspek ang isang mapa kung saan kapansin-pansin na binilugan ng pulang tinta ang US Embassy sa Maynila, Caltex fuel depot sa Pandacan, Bangko Sentral ng Pilipinas complex at Manila Hotel.
Kahapon ay kinasuhan ito ng illegal possession of ammunition sa Manila Regional Trial Court.
Kasalukuyang naka-sentro ang imbestigasyon ng pulisya sa pinanggalingan ng American dollars na nakuha kay Malikdan na tubong Mindanao.
"Malaki ang paniwala namin na ang nakuhang dollars ay bahagi ng ransom money ng Abu Sayyaf," wika ng source.
Ayon pa sa source, posibleng si Malikdan ang kontak ng bandidong grupo sa Metro Manila para makipag-ugnayan sa mga pamilya ng kanilang kidnap victims sa Southern Mindanao.
Kasalukuyang nasa custody ng Western Police District (WPD) ang suspek habang naghihintay naman ang iba pang police at military intelligence units na mapunta sa kanila ang suspek para isailalim sa tactical interrogation.
Ayon sa isang police official, pinipilit nilang "paamuin at kumbinsihin" si Malikdan na makipagtulungan sa tangkang makakuha ng impormasyon hinggil sa plano ng Abu Sayyaf na maghasik ng terorismo sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Kamakailan ay sinabi ng US government na ang Abu Sayyaf ay suportado ng tulong pinansiyal at armas mula kay international terrorist Osama bin Laden.
Kinumpirma naman ito ng naarestong Sayyaf leader na si Jimmy Theng. (Ulat ni Non Alquitran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest