RP gagawing kuta ng mga terorista
September 21, 2001 | 12:00am
Nagbabala kahapon ang Estados Unidos sa posibilidad na pumasok sa Pilipinas ang mga terorista at gawing kuta ang bansa.
Ang general alert na ipinarating ng US ay kinumpirma ng Malacañang sa harap ng posibleng panibagong pag-atake ng teroristang grupo.
Sa advisory ng US, mayroon umanong pinangangambahang pangalawang yugto ng terrorists attack kaya agad na inalerto ng Amerika ang mga bansang posibleng puntahan ng mga terrorist group at kabilang na nga dito ang Pilipinas.
Sa request na ibinigay ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Bureau of Immigration, hiniling nito na salain mabuti ang mga dumarating na mga pasahero at yong mga hahawig sa hitsura ng mga suspected terrorists na nasa kanilang listahan ay agad na ipaalam sa kanila para sa confirmation at custodial investigation.
Samantala, agad itinama ng Palasyo ang naunang pahayag ng BI na umanoy galing sa Pilipinas ang apat na sinasabing terorista na nang-hijack sa eroplanong sumalpok sa World Trade Center at Pentagon building.
Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, kapangalan lamang umano at hindi ito kabilang sa mga terorista na umatake sa Amerika.
Sinabi ni Tiglao na inabsuwelto na ng FBI sina Ahmed Fayez, Ahmed al Ghamdi, Saeed al Ghamdi at Abdulazi al Omari na nagkataon na kapangalan lamang ng naunang pinaghinalaang terorista. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest