Pinoy sa Middle East ililikas - OWWA
September 17, 2001 | 12:00am
Pinaghahandaan na ng gobyerno ang posibleng pagpapatupad ng maramihang pagpapauwi at paglilikas sa may tinatayang 3 milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ibat-ibang panig ng Gitnang Silangan sakaling magsagawa na ng retaliatory attacks ang Estados Unidos, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Kaya naman inalerto na ni OWWA Administrator Wilhem Soriano sa pamahalaan sa lahat ng embahada ng Pilipinas sa Gitnang Silangan ukol dito.
Nakahanda na ang pondong P700 milyong piso ng OWWA para sa posibleng pagpapauwi o paglilikas ng mga Pinoy OFWs.
Kung sakali hindi pauwiin ang mga Pinoy ito naman ay ililikas sa mga ligtas na lugar.
Inatasan din si Soriano ng Malacañang na pagsumitihin ang lahat ng embahada at konsulado ng Pilipinas sa Gitnang Silangan ng kanilang mga kinakailangang pondo.
Samantala tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala umanong dapat ipangamba sakaling magsagawa ng pag-atake ang Estados Unidos sa Afghanistan.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for policy Lauro Baja Jr. na wala umanong rehistradong Pinoy workers sa kasalukuyan sa nasabing bansa.
Ito ay sa kadahilanang wala namang magandang trabaho na makukuha roon ang mga Pinoy bukod pa sa anya close country ito.
Pinangangambahan na ang nasabing bansa ang pangunahing target ngayon ng US dahil sa dito nagtatago si Saudi billionaire at international terrorist Osam Bin Laden na pinaghihinalaang utak ng pag-atake sa World Trade Center at Pentagon noong isang Linggo.(Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest