P76M plunder isinampa vs DOTC chief
September 11, 2001 | 12:00am
Sinampahan kahapon ng P76-milyong kaso ng plunder sa tanggapan ng Ombudsman si Department of Transportation and Communications Secretary Pantaleon Alvarez kasama ang ilang matataas na opisyal ng Philippine International Air Terminals Co., Inc. (PIATCO) dahil sa umanoy pagsasabwatan para palakihin ng mahigit sa 500 porsiyento ang aktuwal na sukat ng natapos na proyekto ng kontrobersyal na NAIA 3 BOT.
Sa affidavit na isinumite ng pangulo ng MIA-NAIA Association of Service Operators, Inc. (MASO) na si Ruven Lazaro, ang kaso ay nagsimula sa overpricing sa mga paghuhukay at preparasyon sa mga gagawin ng Wintrack Builders, ang construction firm na pag-aari ni Sec. Alvarez na nagsasagawa ng kontrobersiyal na NAIA 3 Build-Operate-Transfer project.
Sa nasabing DOTC-PIATCO NAIA 3 BOT, ang gobyerno ang siyang magbabayad ng lahat ng gagastusin sa nasabing proyekto.
Sinabi ng MASO na ang Wintrack Builders ay nakipagsabwatan sa PIATCO at ilang opisyal ng MIA upang pataasin ng mahigit sa 500 porsiyento ang aktuwal na sukat ng mga hinukay na lugar na nagre-sulta sa pagbabayad ng P76,496,157.45 na ibinayad sa karagdagang 24,470.67 cu. meter na sumobra sa aktuwal na sukat at trabahong ginawa.
Mahigit sa P56 milyon ng naturang overpayment ay lumilitaw na inawas ng PIATCO sa taunang bayarin na dapat sana ay mapunta sa pamahalaan.
Inamin ni Alvarez na ang 30 porsiyento ng share ng Wintrack ay kanyang pag-aari. (Ulat nina Butch Quejada/Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended