30 days probe sa expose
September 10, 2001 | 12:00am
Tiniyak ni Interior and Local Government Secretary at National Police Commission (NAPOLCOM) Chairman Joey Lina na sa loob ng 30 araw na taning ay matatapos ang imbestigasyon laban sa ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na inakusahan ng dating agent ng binuwag na Presidential Anti-Organize Crime (PAOCTF) Task Force na si Mary Ong alias Rosebud na umanoy sangkot sa iligal na gawain tulad ng droga at kidnapping.
Ayon kay Lina, ang Inspection Monitoring and Investigation Service (IMIS), NAPOLCOM ang nagsasagawa ng imbestigasyon upang patunayan kung may katotohanan ang naging aligasyon ni Ong laban kina Chief Supt. Reynaldo Acop, Sr. Supt. Francisco Villaroman, Supt. John Campos at iba pang opisyal.
Sinabi pa ng nasabing kalihim na kailangan sa loob ng 30 araw ay maisumite na ng NAPOLCOM sa kanyang tanggapan ang resulta ng imbestigasyon. Matapos nitong bigyan ng special order (SO) noong Martes ang director ng IMIS na si Director Antonio Salazar na siyang mamuno sa nasabing "probe team".
Sa isang press conference, pinabulaanan ni Lina ang ilang aligasyon na bigo ang NAPOLCOM sa pag-aksyon laban sa ilang matataas na opisyal na sangkot sa droga.
"Mary Ong made the bombshell only recently during Senate Inquiry. She started name names two weeks ago and her exposé was only revealed recently during the Senate Inquiry. So how could the NAPOLCOM be accused of failing to act immediately on the matter," ani Lina.
Direktang inatasan ng kalihim ang IMIS na magsagawa ng masusi at malalimang imbestigasyon sa ibat-ibang kasong kriminal na kinakaharap ng ilan pang matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya bukod sa isiniwalat ni Ong sa Senado.
Iniutos pa ni Lina sa nasabing tanggapan, na maging patas at makatarungan sa pag-iimbestiga kaugnay sa Rosebud exposé upang malaman ng publiko ang katotohanan.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest