'Ang See pakialamera'- Rosebud
September 5, 2001 | 12:00am
Inakusahan kahapon ng dating civilian agent na si Mary "Rosebud" Ong na pakialamera si Teresita Ang See, chairman ng Citizens Action Against Crime and Corruption (CAAC) matapos umanong ibigay ng huli kay P/Gen. Romeo Acop ang isang videotape na naglalaman o nagpapakita ng isang eksena kung paano tinorture ng mga tauhan nito na sinasabing mga traydor sa samahan, ang apat na hinihinalang Chinese drug trafficker na pawang miyembro umano ng Hong Kong Triad.
Kinuwestiyon ni Rosebud si Ang See dahil sa pagbibigay ng videotape kay Acop na ipinakita naman sa GMA Channel 7 at hindi sa Senado bagaman nagpapatuloy ang joint hearing dito.
Sinabi ni Rosebud na kailangang ipaliwanag ni Ang See sa senate investigation kung bakit kay Acop nito ipinasa ang videotape. Si Acop ay inaakusahan ni Ong na kasabwat ni Sen. Panfilo Lacson sa drug trafficking sa bansa.
Gayunman, bagaman inamin ni Ong na mahirap sabihin na si Ang See ay posibleng kasabwat din ng grupo ni Lacson sa kidnapping activities sa mga Chinese nationals, ay hinimok niya ito na humarap sa Senado at ibunyag ang kanyang nalalaman sa operasyon ng PAOCTF. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest