Ping itinurong dawit sa drug traffic
September 4, 2001 | 12:00am
Tinukoy kahapon ni whistleblower Mary Ong Rosebud si Senator Panfilo Lacson na kasabwat ng iba pang matataas na opisyal ng pulisya hindi lamang sa drug trafficking at kidnapping kundi sa pagpatay din sa mga pinaghihinalaang drug traffickers sa bansa na tinaguriang "Oplan Cyclops" sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kahapon.
Tahasang ipinagtapat ni Rosebud sa Senate committee on public order and illegal drugs, na mismong si Lacson ay kasabwat din sa recycle o pagbebenta muli ng mga nakukumpiskang droga mula sa mga buy-bust operations partikular sa mga bigtime Chinese drug traffickers.
Isinangkot din ni Rosebud na kasabwat ni Sen. Lacson na noon ay namumuno sa binuwag na Presidential Anti-Crime Commission (PACC) Task Force Habagat, hanggang sa maitatag ang Presidential Anti-Organized Task Force (PAOCTF) sina C/Supt. Reynaldo Acop, Sr. Supt. Michael Ray Aquino, Sr. Supt. Francisco Vilaroman, Sr. Supt. John Campos, C/Supt. Francisco Zubia at iba pang opisyal.
Hindi mabilang na dokumento din ang isinumite ni Ong sa naturang komite kabilang ang mga photo copy ng mga tseke na inisyu ni C/Supt. Acop para sa drug-bust noong Oct. 1998, ang kanyang 3 affidavit at mga kopya ng passport at plane ticket ng mga chinese nationals na dinukot at pinatay ng grupo ni Lacson mula noong 1998 hanggang 2000.
Aniya, humingi ng 10 kilo ng shabu si Col. Campos mula kay Chong Hui Ming para palayain ng mga ito ang mga inarestong sina Eduardo Hong Ling Ong, Ah Kiat at Lee Ming You noong December 1998 sa Ma. Clara St.
Matapos makuha nito ang hinging droga ay pinalaya ang 3 Intsik matapos piyansahan na nagresulta sa pagka-dismis ng mga kaso nito matapos hindi na humarap pa ang mga pulis na umaresto sa mga ito sa korte.
Noong December 30, 1998, dinukot si Chong Hui Ming at dinala ito ng mga tao ni Lacson sa kanilang hideout habang ang mga Chinese Nationals na sina Wong Kam Chong, Zeng Jiaxuan, Hong Zhen Qiao, Zeng Kang Fang at kanilang driver James Ong ay dinukot naman noong March 26, 1999 sa Damar Village, Quezon City.
Pinalaya ang mga dinukot na Intsik maliban kay Wong Kam Chong matapos magbayad ang mga ito ng P3 milyong paunang bayad sa hinihinging P10 milyong ransom saka pinilit na pumirma sa affidavit si Jia Xuan na nagsasaad na siya ay boluntaryong nagsisilbing Action agent ng PNP.
Winika pa ni Ong, narinig niya ang pag-uusap nina Acop at Lacson sa telepono nang sila ay nasa Camp Vicente Lim noong May 18, 1999 kung saan ay sinabi sa kanila ni Acop na nagagalit na daw si Lacson dahil buhay pa raw ang mga Intsik na sina Wong Kam Chong, Chong Hui Ming at Chan Ka Tseung kung saan isinagot naman ni Acop na ayos na bukas ang mga iyan.
Idinagdag pa ni Ong, akala nina Wong Kam Chong, Chong Hui Ming at Chan Ka Tseung noong May 19, 1999 na sila ay palalayain na matapos iutos sa kanila ni Col. Campos na magbihis sila ng maayos na damit pero sinundo sila nina Col. Villaroman saka sinalvage at pinagpira-piraso ang kanilang katawan at dinurog na animoy pulbos.
Samantala, sinabi ni Lacson na dadalo na siya sa susunod na hearing ng komite sa Sept. 6 upang harapin mismo si Rosebud.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Senators Renato Cayetano, Noli De Castro at Francis Pangilinan na pawang mga documentary at circumstantial evidence lamang ang iniharap ni Ong laban kay Lacson kung saan ay walang direktang ebidensiya para idiin ang senador sa drug trafficking, summary executions at kidnappings. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am