Abu Sayyaf takot sa bubuyog!
September 1, 2001 | 12:00am
May kinatatakutan din pala ang mga bandidong Abu Sayyaf!
Sa nakakatawang bahagi ng kuwento ng construction magnate na si Rhegis Romero II sa ginanap na public hearing ng House committee on national defense, takot sa bubuyog ang mga miyembro ng Abu Sayyaf.
Matapos umano ang mahaba nilang paglalakbay sa karagatan mula sa Dos Palmas resort sa Palawan ay dumaong sila sa isang isla upang magpahinga at magpalipas ng gabi.
Hindi umano sinasadya na masagi ng isang bandido ang bahay ng mga bubuyog. Lumabas sa lungga ang napakaraming insekto at agad hinabol ng mga bubuyog ang mga bandidong grupo kasama ang mga bihag at sa katatakbo ay napadpad sila sa kung saan-saan.
Ilang minuto din umanong tumagal ang nasabing habulan hanggang sa tumigil din sa paghabol ang mga binulabog na bubuyog.
Si Romero, nakalayang bihag ng Abu Sayyaf ay dumalo sa isinagawang hearing ng komite ni Surigao del Sur Prospero Pichay kaugnay ng isiniwalat ni Fr. Cirilo Nacorda na nagkaroon umano ng sabwatan sa pagbibigay ng ransom money sa pagitan ng military at Abu Sayyaf. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest