'Public apology kay Loren? No way' - Ador
August 28, 2001 | 12:00am
Walang planong humingi ng public apology ang kontrobersiyal na si Angelo Mawanay alyas Ador kay Senadora Loren Legarda o sa sinumang senador na nahagip ng ginawa nitong exposé sa imbestigasyon ng Senado.
Ito ang nilinaw kahapon ni Ador at ng legal counsel nitong si Atty. Archee Guevarra sa likod na rin ng mga ulat na nakatakda nang mag-sorry kay Senadora Legarda ang kanyang kliyente.
"Buhay ko ang itinataya ko rito, ang nasabi ko nay hindi ko na babawiin pa," matigas na pahayag ni Ador na sinuportahan naman ng abogado nito.
Magugunita na maliban sa kontrobersiyang pinasabog ni Ador laban kay Senador Panfilo Lacson ay idinawit din nito si Senadora Legarda sa pagbili umano ng may 1,000 Nokia 3210 smuggled cellphones na nagkakahalaga ng P8.9M na idineliber niya sa may Star City noong nakalipas na taong 1998.
Ang nasabing alegasyon ay itinanggi ni Sen. Legarda kasabay ng paggigiit na naglulubid lamang umano ng buhangin si Ador para sirain ang kanyang malinis na pangalan.
"No public apology will come from my client," giit naman ni Atty. Guevarra.
Maliban kay Lacson at Legarda ay idinawit din ni Ador si Sen. Noli de Castro sa pagtanggap umano ng P3M bilang payola noong kasalukuyan pang PNP chief si Sen. Lacson na siya pa mismo ang nagdeliber sa isang lugar sa Quezon City.
Gayundin, hindi iaatras ni Ador ang isinampang arbitrary detention laban sa walong senador na pinamumunuan ni Senate Committee on Illegal Drugs chairman na si Sen. Robert Barbers matapos ng mga itong ipakulong si Ador dahilan umano sa pagsisinungaling sa pagtatanong ng mga senador na nag-iimbestiga rito sa pagdinig. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest