^

Bansa

Military inabsuwelto ng Pangulo sa pakikipagsabwat

-
Inabsuwelto na ni Pangulong Arroyo ang mga opisyal ng military na inaakusahang nakipagsabwatan sa bandidong Abu Sayyaf, ito ay sa gitna ng isinasagawang public hearing ng House committee on defense na pinamumunuan ni Surigao Congressman Prospero Pichay na nasa Basilan para sa Congressional inquiry.

Ayon sa Pangulo, batay sa resulta ng internal investigation ng kanyang administrasyon ay napatunayang hindi totoo ang alegasyon ni Fr. Cirilo Nacorda na may opisyal ng military ang kasabwat umano ng Abu Sayyaf.

Nag-ugat ang akusasyon ng pari matapos na malayang makatakas ang mga bandido sa kordon ng militar ng sumalakay ang mga ito sa Dr. Jose Torres Hospital sa Lamitan, Basilan.

Kabilang sa mga opisyal na inakusahan ni Father Nacorda ay sina Brig. Gen. Romeo Dominguez at Col. Jovenal Narcise.

Sinabi ng Pangulo na kuntento na siya sa resulta ng imbestigasyon na nag-aabsuwelto sa ilang military officials, pero nilinaw nito na bagamat nakalusot ang military sa internal investigation ng Palasyo ay hindi naman ito makakaapekto sa isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso.

Binigyang diin ng Pangulo na makabubuti sa publiko ang imbestigasyon sa nasabing alegasyon na sabwatan para magkaroon ng linaw ang naturang usapin. (Ulat ni Ely Saludar)

ABU SAYYAF

BASILAN

CIRILO NACORDA

DR. JOSE TORRES HOSPITAL

ELY SALUDAR

FATHER NACORDA

JOVENAL NARCISE

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ROMEO DOMINGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with