Erap, Jinggoy, Ping isinabit sa kidnaping ng surpr
August 24, 2001 | 12:00am
Nagpasabog ng panibagong bomba kahapon sa Senate hearing ang grupo ni ISAFP Chief Col. Victor Corpus nang iharap nito ang isang sorpresang testigo.
Si Danny Devnani, 43, isang Indian national na kasal sa isang Filipina, ay lumutang at humarap sa Senate committees on public order and illegal drugs, national defense, at Blue Ribbon, para sabihing sangkot sina dating Pangulong Joseph Estrada, anak nitong si Jinggoy, Sen. Panfilo Lacson at ang kontrobersiyal na Estrada crony na si Atong Ang sa criminal acitvities ng Kuratong Baleleng.
Sa kanyang inihandang salaysay, sinabi ni Devnani na bagamat wala itong subpoena, nagpasya itong lumabas para sa ikabubuti ng bayan.
Tinukoy din ni Devnani sina Eduardo Villanueva, umanoy right hand man ni Lacson, Renato Paruhinog na pinuno ng Kuratong, isang pulis na nagngangalang Enteng Lorente, isang Col. Carding Dapat ng Criminal Investigation and Detection Group bilang kasama sa grupo ni Lacson na sangkot din sa criminal activities.
Sinabi rin ni Devnani na sang-ayon itong tumestigo sa partisipasyon ng mga nabanggit sa ilegal na aktibidades ng Kuratong Baleleng, ang pagsusugal nina Erap, Jinggoy, Atong, Lorente at Carding Dapat sa casino, ang pagkasangkot ni dating Pagcor executive Butch Tenorio at Ang sa pagkawala ng Pagcor employee na si Edgar Bentain. Ayon kay Devnani, partners in crime sina Erap, Lacson at Atong.
Sinabi rin niya na kaibigan niya ang dating basketbolistang si Arnie Tuadles at mismong ito ang nagbabala sa kanya na mag-ingat sa grupo ni Atong. Magugunitang pinatay si Tuadles noong Nobyembre 2, 1996 sa Club 419 sa Greenhills, San Juan.
"He was a nice man. Only his crime was that he was working for Atong and he knew all their criminal activities. He used to advice me a lot and even warn me to stay away from this group. Now I realized Arnie was right," pahayag ni Devnani.
Ayon kay Devnani, matagal na niyang kakilala si Atong at Erap. "Ive known them for the past 8 years" at lagi niya itong nakakasama sa mga miting nila.
Madalas silang magkita, siya at ang tropa nina Erap at Atong sa Club 419 na pag-aari ni Erap. Noong 1995, pinakiusapan siya ni Atong at Erap na ilipat sa kanyang pangalan ang pag-aari ng naturang club.
"They said media is watching us and hes running for president in 1998, so the club was very much identified into. Illegal activities are happening inside that club," ayon pa kay Devnani.
Samantala, nakilala naman niya si Paruhinog noong 1996 nang ipakilala ito ni Atong Ang sa kanya. Aniya, kapatid ni Paruhinog ang mayor ng Ozamis City.
"Our first meeting was in a club ni Quezon City, in Lexus, Atongs with me and Eddie Boy and some family members of Tuadles. They introduced me to Paruhinog whos the leader of Kuratong Baleleng gang," ayon kay Devnani.
Nasundan iyon ng marami pang meeting sa Whistle Stop kung saan pinag-uusapan na ng grupo ang susunod nilang proyekto sa kidnapping.
Inulan naman ng batikos mula sa mga senador ang mga alegasyon ni Devnani. Nais ni Sen. Serge Osmeña na magpakita ito ng ebidensiya, pero sinabi ni Pimentel na maaaring makakuha sila ng impormasyon na makakatungo sa katotohanan.
Ayon naman kay Sen. Rodolfo Biazon dapat ang inquiry ay kay Lacson lamang, ngunit sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan na maaaring magdulot ng kaliwanagan ang statement ni Devnani sa kaugnayan ni Lacson at ng Kuratong Baleleng sa criminal activities.
Humingi naman ng ekstensiyon si Devnani kung saan nais nito na sa susunod na pagdinig na lamang niya iprisinta ang kanyang hawak na mga ebidensiya.
Inutusan ito ni Sen. Robert Barbers na magsumite ng sworn affidavit kung saan mas maliwanag ang pagdedetalye nito sa mga isinangkot niya sa mga ilegal na aktibidades. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended