$50-M nawawala sa Pinas
August 19, 2001 | 12:00am
Tinatayang umaabot sa $50 milyong dolyar ang kinatatakutang hindi mabawi ng Pilipinas dahil sa misteryosong pagkawala ng may 33 mga paintings ng mga batikan ng international painters na una nang narekober sa bahay na pag-aari ni dating Pangulong Marcos sa Estados Unidos.
Sinabi ni Presidential Commission on Good Government (PCGG) Reuben Carranza, hepe ng legal affairs, na hindi 23 kundi 33 mga paintings ang kanilang iniimbestigahan ngayon kung saan na napunta matapos na umupo si Chairman Haydee Yorac.
Sinabi nito na ang naturang mga paintings na ginuhit nina Frenchman Claude Monet, Edgar Degas at Swiss Paul Klee ay na-sequester ng Pilipinas sa bahay ni Marcos sa US matapos ang matagumpay na EDSA Revolution noong 1986.
Sa kanilang pagtataya, umaabot ng $1 milyong dolyar o higit pa ang isang painting kapag naibenta sa isang auction na labis na makakatulong sa naghihingalong ekonomiya ng bansa.
Inilipat umano ang mga paintings na ito sa pangangalaga ng National Museum sa US noong Hunyo 1992 sa kasunduan ng pamilyang Marcos at dating PCGG chairman David Castro. Nang umupo si Yorac nitong nakaraang Hunyo ay nadiskubre na nawawala na ang mga ito matapos na magsagawa ng isang imbentaryo.
Kasasalukuyang nakikipagtulungan na ngayon ang PCGG sa US Arts Register upang matukoy kung saan napunta ang mga paintings. Posible umano na naibenta na ang mga ito sa mga malalaking art collectors.
Kamakailan, naka-recover ang PCGG ng isang orihinal na Picasso painting na may pamagat na "Head of a Woman" na kabilang sa mga na-sequester noong 1986. Nagkakahalaga umano ito ng $1 milyon at nasa pag-iingat na ng US District Court of Hawaii. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended