Magarbong Christmas party ng SSS sinilip
August 17, 2001 | 12:00am
Pinaghinalaan kahapon ng mga miyembro ng unyon ng Social Security System (SSS) na ang mga naglalabasang balita hinggil sa magarbong Xmas party ng ahensiya ay isang paraan lamang para mabigyang daan ang planong pagsasapribado ng ahensiya.
Ito ang naging reaksiyon ng grupo ng unyon ng SSS, ang Alert and Concern Employees for Better Social Security (ACESS), kaugnay ng napaulat na mahigit P300 milyong pondo na ginastos ng ahensiya sa kanilang Xmas party noong nakaraang dalawang taon.
Sinabi ni Carol Basilio ng ACESS, hangad nila ang mga pagbabago sa ahensiya para mapabuti ang serbisyo sa milyong miyembro nito at maayos na sistema sa ahensiya para sa mga empleyado nito.
Hinamon ng mga kawani ng SSS ang pamunuan ng ahensiya na ipalabas ang breakdown ng P300 milyong nagastos noong 1999-2000 Xmas party.
Naghinala ang mga empleyado na nais lamang na magpalabas ng negatibong report ang ilang grupo sa ahensiya dahil sa planong ituloy ang privatization sa SSS.
Bukod dito, nabatid na baka hindi na makatanggap ng benepisyo ang mga pensionaires ng SSS kapag ang ahensiya ay naisapribado. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest