^

Bansa

Corpus binigyan ng 15-araw ng Ombudsman vs Lacson

-
Tiniyak kahapon ng tanggapan ng Ombudsman na isusumite na ni Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) Chief, Col. Victor Corpus ang mga ebidensiya at dokumento laban kay Sen. Panfilo Lacson kaugnay sa kinasasangkutan nitong money laundering.

Ayon kay Ombudsman Aniano Desierto, binigyan ng kanyang tanggapan ng 15-araw si Corpus upang mangalap ng mga dokumento at ebidensiyang magpapatunay laban sa alegasyon nito kay Lacson.

Sinabi ni Desierto na nangako si Corpus na isusumite nito sa lalong madaling panahon ang mga nasabing dokumento upang maisulong ang alegasyon laban kay Lacson at masampahan ito ng kaukulang kaso.

Una dito’y pinadalhan ng subpoena ng tanggapan ng Ombudsman ang mga miyembro ng ISAFP na sangkot sa nabanggit na usapin upang magbigay ng kanilang statements.

Magugunita na una ng ibinulgar ni Corpus na mayroong mga tagong salapi si Lacson at ang asawa nitong si Alice sa Hong Kong at mga pag-aari sa Estados Unidos. Sina Lacson at dating pangulong Estrada umano ay mayroong salaping nagkakahalaga ng mahigit na $700M sa naturang bansa. (Ulat ni Grace Amargo)

AYON

DESIERTO

ESTADOS UNIDOS

GRACE AMARGO

HONG KONG

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

LACSON

OMBUDSMAN ANIANO DESIERTO

PANFILO LACSON

SINA LACSON

VICTOR CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with