Hari at Reyna ng Malaysia bibisita sa Pilipinas
August 9, 2001 | 12:00am
KUALA LUMPUR, Malaysia (via PLDT) - Agad na susuklian ng hari at reyna ng Malaysia ang ginawang tatlong araw na state visit ni Pangulong Arroyo dito.
Ang haring si Yang Di-Pertuan Agong at asawang reyna na si Raja Permaisuri Agong ay dadalaw sa Pilipinas sa susunod na taon kasama ang business delegation para lalo pang pagtibayin ang relasyon ng dalawang bansa.
Ang pagbisita ay bilang pagtanggap na rin sa imbitasyon naman ng Pangulo sa hari at reyna ng Malasyia. Nabatid na pinakahuling pagbisita ng hari ng Malaysia sa bansa ay noon pang 1972 kung saan naglaro ito ng golf sa Tagaytay.
Kasabay nito, napagkasunduan din na idaos sa Pilipinas sa susunod na taon ang ika-5 RP-Malaysian joint commission kung saan ihahayag ng Pangulo ang planong pagtatayo ng 160,000 palm oil plant sa Mindanao partikular sa Caraga region na lilikha ng 300,000 trabaho. Sa ikalawang araw na state visit ng Pangulo ay binisita nito ang Petronas Twin Tower, ang naitalang pinakamataas na tore sa buong mundo na may taas na 451.9 meters high. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest