^

Bansa

Mass walkout ng SSS employees sinimulan

-
Sinimulan na kahapon ng mga empleyado ng Social Security System (SSS) ang hindi pagpasok sa kani-kanilang mga trabaho bilang pagtupad sa banta na magsasagawa ng mass walkout kapag hindi inalis sa tungkulin si SSS president at chairman Vitaliano Nañagas at itinuloy ang planong privatization sa ahensiya.

Kahapon ng umaga, hindi na umattend sa kanilang flag raising ceremony ang naturang mga empleyado na kinabibilangan ng matataas na opisyal ng SSS.

Sa panig ng SSS management, kahit na may mass walkout, hindi naman umano maaapektuhan ang mga serbisyo sa libu-libong miyembro nito.

Nabatid sa information office ng SSS, may skeletal force na nakatalaga sa iba’t ibang tanggapan ng ahensiya na magseserbisyo sa mga miyembro nito na may transaksiyon dito.

Nagbanta ang mga empleyado na hindi sila babalik sa kani-kanilang mga trabaho hanggat hindi nililisan ni Nañagas ang puwesto at ihahayag ng pamahalaan na walang magaganap na pagsasapribado ng naturang ahensiya.

Higit na ikinagalit ng mga empleyado ng SSS ang pagpapadala ni Nañagas ng sariling tauhan mula sa Phil. Stock Exchange na pinasasahod ng mahigit sa P100,000 gayung napakaraming mga manggagawa nito ang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatanggap ang kanilang benepisyo at mga allowance.

Sa Malakanyang, nakatakdang ihayag kung tatanggalin sa puwesto si Nañagas gaya ng hinihingi ng mga nagdedemonstrasyong kawani nito.

Ang reklamo ng SSS employees ay iniimbestigahan na ni Finance Secretary Jose Isidro Camacho at nakatakda itong makipagkita sa Pangulo para iharap ang binuo niyang solusyon sa problema. (Ulat nina Angie dela Cruz, Lilia Tolentino at Ely Saludar)

ELY SALUDAR

FINANCE SECRETARY JOSE ISIDRO CAMACHO

LILIA TOLENTINO

SA MALAKANYANG

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SSS

STOCK EXCHANGE

VITALIANO NA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with