^

Bansa

Teachers na nag-DH sa Hongkong pag-uwi,makapagtuturo muli

-
Hinahanapan ng Arroyo administration ng puwesto sa mga paaralang pampubliko ang mga gurong nagtatrabahong domestic helper sa Hong Kong at iba pang bansa para magkaroon sila ng trabaho sa sandaling gusto nang bumalik sa Pilipinas, bilang bahagi ng pagkilala ng pamahalaan sa malaking tulong ng OFWs sa ipinadadala nilang dollar na nakakatulong ng malaki para mapanatiling malakas ang ekonomiya.

Sa unang apat na buwan ng 2001, sinabi ng Pangulo na 25 porsiyento ng gross national product ang mula sa ipinadalang dollar ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ang pahayag na ito ay tugon ng Pangulo sa isang katanungan ng Pilipinong OFW sa Hong Kong kung anong tulong ang maaasahan nila sa pamahalaan sa sandaling nais nilang umuwi na para dito magtrabaho.

Sa programang ‘‘Meet the President’’ ng ABS-CBN, sinabi ng Pangulo na ang mga Pilipinong OFWs ay ginaganyak din niyang magtayo ng sariling negosyo sa pamamagitan ng pautang sa ilalim ng tinatawag na Grameen-type micro financing.

Para makinabang sa micro-financing ng gobyerno ang mga OFWs ay kailangang bumuo ng maliit na grupo.

Hindi na nila kailangan pang magpunta sa banko para mangutang kundi lalapitan na sila ng mga empleyado ng banko sa kani-kanilang barangay. Ang hulog nila sa utang ay gagawin bawa’t linggo sa halip na taunan.

Ang sistemang ito ng pautang na walang kolateral ay ipinatupad ni Dr. Mohammad Yunus, managing director ng Grameen Bank sa Bangladesh para sa mahihirap at nagsasariling negosyanteng kababaihan sa Bangladesh. (Ulat ni Lilia Tolentino)

DR. MOHAMMAD YUNUS

GRAMEEN

GRAMEEN BANK

HINAHANAPAN

HONG KONG

LILIA TOLENTINO

MEET THE PRESIDENT

PANGULO

PILIPINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with