Blood test muna bago kasal
July 23, 2001 | 12:00am
Mas lalo magiging masalimuot ang dadanasin ng ikakasal dahil magkakaroon ng karagdagang requirement ang mga ito bago makakuha ng lisensya sa kasal, ngunit makakasiguro naman ang magiging mag-asawa na malinis at ligtas ang kani-kanilang mga magiging anak sa pagsailalim ng blood test.
Ang panibagong pagpapanukala ng pagsasailalim muna sa blood test bago mabigyan ng lisensya sa kasal ay upang makasiguro na walang nakakahawa at nakakamatay na sakit ang isa sa magpapakasal kagaya ng HIV/AIDS; Hepatitis A at B at iba pa.
Batay sa "Mandatory and Periodic Blood Testing Act" ni Zamboanga del Sur Rep. Roseller Barinaga na ang lahat ng magiging aplikante para sa lisensya sa kasal ay kailangang sumailalim sa proseso ng blood testing upang malaman na walang nakakahawang sakit ang isa.
Layunin ng nasabing batas na maiwasan na mauwi sa hiwalayan o pag-annul sa kasal ng mag-asawa matapos malaman na mayroon palang sakit ang isa at para rin maiwasang mahawaan ang magiging anak ng mga ito.
Bukod pa dito, hindi mabibigyan ng Overseas Employment Certificates ang mga aplikante hanggang hindi ito sumasailalim sa comprehensive blood test bago ito magtungo sa ibang bansa. Maging ang mga OFWs na bumalik sa bansa ay kailangan ding sumailalim sa blood test upang makasiguro din na hindi nakapag-uwi ito ng sakit mula sa ibang bansa at para na rin maligtas ang kanilang pamilya. Isang paraan upang mabawasan ang pagkalat at pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit sa bansa ay ang mandatory at periodikong drug testing sa ilalim ng superbisyon ng (DOH). (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest