Pinay DH sa Hongkong 'pokpok' sa gabi
July 22, 2001 | 12:00am
Nabulgar ang pagdami ng mga Pinay prosti sa bansang Hong Kong na nagpapanggap na domestic helper pero pagbebenta ng laman ang trabaho sa gabi.
Sa pahayag ng isang umuwing Pinay OFW sa HK na tumangging magpabanggit ng pangalan, marami siyang kasamahang Filipina ang kinalap ng mga ahente sa Pilipinas at pumasok sa HK bilang mga entertainer na may hawak na 8 months working visa.
Ngunit nabatid na mas naging organisado na ngayon ang mga sindikatong nasa likod ng pagpapakalat ng Pinay prosti sa HK sa pamamagitan ng pagkukunwaring mga lehitimong domestic helper at palabasin na may lehitimo ring mga employers doon kayat nagtataglay sila ng working visa para sa dalawang taon.
Sa sistemang ito ay malaya silang nakakagala sa mga bars sa Wan Chai, kilalang red light district sa Hong Kong.
Napag-alaman na protektado ng sindikato ang kilos ng mga prosti doon ngunit hawak sila sa leeg dahil hawak din ng sindikato ang kanilang mga dokumento gaya ng passport at domestic helper visas at maging ang kanilang mga pekeng work contract.
Sa kabila nito ay nakukuntento na rin umano ang karamihan sa mga Pinay prosti dahil sa malaking kinikita nila roon na siyang pinatunayan ng mga staff sa ilang money remittance center kung saan nakakaya nilang magpadala ng hanggang HK$20,000 sa kanilang mga pamilya.
Inaamin din ng mga babae na protektado rin sila ng sindikato at pinapayuhan para hindi magkamali o makalabag sa batas na umiiral sa nasabing bansa.
Tinuturuan din sila kung paano makakaiwas para hindi mabuntis, gayundin ang pagtiyak na updated ang kanilang mga dokumento.
Sa kasalukuyan ay maituturing na ang HK ang nangungunang destinasyon ng mga OFWs, ayon sa POEA at OWWA.
Sumunod lamang ito sa Saudi Arabia sa pinaka-popular na pinupuntahan ng mga overseas workers .
Ngunit kung ang pagbabatayang figure na 121,762 OFWs noong nakaraang taon kumpara sa 184,727 sa Saudi ay masasabing nangunguna ang HK dahil maliit na bansa lamang ito kumpara sa sukat at lawak ng lupain at laki ng populasyon ng Saudi Arabia. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest