National ID system ipipilit sa Kongreso
July 7, 2001 | 12:00am
Sa kabila ng pagtutol ng ilang sektor ng lipunan hinggil sa pagbibigay ng gobyerno ng identification cards sa mga mamamayan, isinulong pa rin kahapon ni Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino Biazon ang National Identification Card System.
Ipinaliwanag ni Biazon na kung magiging batas ang kanyang panukalang NICS of 2001, hindi na kailangan pang magdala ng napakaraming IDs o dokumento ang isang tao na may kailangan sa isang opisina ng pamahalaan.
Inihalimbawa ni Biazon ang mga bansang Malaysia, Indonesia, Japan, Germany at South Africa na matagal nang gumagamit ng ID system.
Maging sa Amerika ay ginagamit na rin umano ang ganitong sistema kung saan kasabay na ipinalalabas ng US Department of Motor Vehicle sa mga kumukuha ng drivers licenses ang isang ID na tinatanggap bilang identification documents kahit na saang transaksiyon.
Dahil sa ID system na ito sa Amerika ay naiiwasan umano ang pagbebenta ng alak sa mga kabataan dahil makikita sa ID ang tunay na edad ng mga ito.
Sa panukala ni Biazon, nakasaad dito na tanging mga Pilipinong may edad 18 pataas ang kuwalipikadong magparehistro para sa NICS.
Maaari din umanong pagkalooban ng ID ang mga banyagang may anim na buwan nang naninirahan sa bansa.
Ilalagay sa nasabing ID ang buong pangalan, tirahan, araw ng kapanganakan, nationality, weight, height at lagda ng aplikante.
Ang civil registrar ng isang siyudad o munisipalidad ang aatasang magpalabas ng nasabing ID. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest