^

Bansa

Presyo ng alak at sigarilyo itataas

-
Pipilitin ng Kongreso na maitaas ang presyo ng alak at sigarilyo para mailayo ang publiko sa naturang mga bisyo.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Herminio Teves, chairman ng House Oversight Committee, bagaman at alam ng tao na masama sa kalusugan ang alak at sigarilyo ay tuloy pa rin ang pagtangkilik nila rito dahil kaya pa ang presyo.

Kung itataas umano ng Kongreso ang binabayarang buwis para sa tinatawag na "sin taxes" ay maaaring tuluyan nang sumuko ang publiko sa pagtangkilik ng mga bisyong ito.

Inirekomenda ng oversight committee na itaas sa P5 ang excise tax sa bawat pakete ng sigarilyo na magbibigay naman umano ng P5 bilyong dagdag sa kita ng gobyerno.

Maaari umanong ilaan ang nasabing halaga sa pagsuporta sa mga pasyenteng biktima ng sakit na dulot ng paninigarilyo.

Inamin ni Teves na bigo ang gobyerno sa programa nitong patigilin ang publiko sa pag-inom ng alak at paninigarilyo partikular ng mga kabataan dahil kalimitan ay mga artista at sikat na tao pa ang nag-eendorso nito.

Subalit kung masyado umanong mataas ang presyo ng mga nasabing bisyo ay baka mapilitan na ang publiko na huminto sa pag-inom ng alak at paghitit ng sigarilyo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

HERMINIO TEVES

HOUSE OVERSIGHT COMMITTEE

INAMIN

INIREKOMENDA

KONGRESO

MAAARI

MALOU RONGALERIOS

NEGROS OCCIDENTAL REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with