^

Bansa

Buhay ng mga justices mas mahalaga kaysa kay Estrada

-
Tinutulan kahapon ng sheriff ng Sandiganbayan ang panukala ng PNP na gawin sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang pagdinig sa kaso ni dating Pangulong Estrada dahil sa banta sa buhay ng dating pangulo.

Ayon kay Sandiganbayan Sheriff Edgardo Urieta, hindi dapat pagbigyan ang kahilingan ng PNP dahil mas mahalaga umano ang buhay ng mga justices kaysa sa buhay ng dating pangulo.

Dapat din isaalang-alang ang kaligtasan ng mga empleyado ng Sandiganbayan na magpapabalik-balik sa VMMC sakaling pagbigyan ang kahilingan na doon isagawa ang paglilitis.

"Iniisip ng PNP ang kaligtasan ng dating pangulo, pero paano naman ang kaligtasan ng mga justices at mga empleyado ng Sandiganbayan," ani Urieta.

Ang reaksyon ni Urieta ay kaugnay sa pormal na paghahain kahapon ni P/Sr. Supt. Atty. Dorotheo Reyes II, acting director ng PNP Legal Services ng mosyon na gawin sa VMMC ang arraignment at trial ni Estrada.

Ayon umano sa nakalap nilang intelligence report, masyadong mapanganib kay Estrada ang pagpunta sa Sandiganbayan dahil maaari itong maging biktima ng ambush at assassination.

Maaari rin umanong maging balakid sa pagdinig sa kaso ang malawakang demonstrasyon na nakatakdang isagawa ng mga militanteng grupo sa harapan ng gusali ng Sandiganbayan.

Ikinatwiran ni Reyes sa kanyang mosyon na bagaman at kayang labanan ng PNP ang anumang tangka sa buhay ng dating pangulo ay hindi naman dapat isakripisyo ang buhay ng kanilang miyembro at resources ng PNP. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

DOROTHEO REYES

LEGAL SERVICES

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ESTRADA

SANDIGANBAYAN

SANDIGANBAYAN SHERIFF EDGARDO URIETA

SR. SUPT

URIETA

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with