Peace talks bubuksan muli sa Agosto
June 18, 2001 | 12:00am
Nilinaw kahapon ng Malacañang na hindi pa tuluyang isinasara ang pintuan sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front (NDF).
Ayon kay Presidential Adviser on the peace process Eduardo Ermita ang ideneklarang recess ng GRP panel sa peace talks sa NDF sa Oslo, Norway ay pansamantala lamang.
Nakatakdang buksang muli ng pamahalaan ang pansamantalang naantalang peace talks sa hanay ng NDF sa buwan ng Agosto.
Ito ay matapos na pansamantalang ipagliban ng GRP peace talks sa NDF bunga ng ginawang pamamaslang ng mga rebeldeng NPA kay outgoing Cagayan Congressman Rodolfo Aguinaldo at sa bodygurad nitong si SPO1 Joey Garro noong nakalipas na Hunyo 12 ng gabi sa Tuguegarao City.
Iprinotesta ng grupo ni GRP peace panel Chairman Silvestre Bello III ang pamamaslang ng mga rebeldeng komunista habang isinasagawa ng magkabilang panig ang peace talks sa Oslo, Norway.
Ayon kay Bello,noong Biyernes ay nagkaroon sila ng pag-uusap nina NDF Chairman Luis Jalandoni,Mr.Fidel Agcaoilli at Secretary Hernani Braganza ang pagbubukas ng usapan sa kalagitnaan ng Agosto.
Bagaman ay pumayag na ang NDF na ipagpatuloy muli ang peace talks ay wala pang pormal na abiso ang mga ito kung payag sila na muling humarap sa negotiating table.
Nagpahayag naman ng kahandaan si Bello na gawin muli ang peace talks sa Norway o kaya sa Sweden o Netherlands. (Ulat nina Joy Cantos at Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest