Erap, Jinggoy physically fit to go to jail
June 14, 2001 | 12:00am
Physically fit at healthy ang kalagayan ng mga kalusugan nina dating Pangulong Estrada at anak nitong si Jinggoy.
Ito ay batay sa ipinalabas na bulletin ng pamunuan ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) bilang tugon sa kautusan ng 3rd Division ng Sandiganbayan na magpalabas ng update sa loob ng 10 araw hinggil sa kalagayan ng mag-ama.
Sa isinumiteng ulat nina VMMC director Dr. Salvador Flores at Dr. Liberato Casison, physician nasa mabuti nang kalagayan ang mag-amang Estrada at maaari nang makabalik ang mga ito sa kanilang detention cell sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.
Makaraan ang may dalawang linggong pagpapainom ng gamot sa dating pangulo ay gumaling na ang sakit nitong bronchitis habang gumaling naman ang pananakit ng dibdib ni Jinggoy.
Kinontra rin nina Flores at Casison ang suhestiyon ng kampo ni Estrada na muling ipasuri ang mga ito sa Makati Medical Center para makatiyak na nasa maayos nang kalagayan ang kanilang kalusugan.
Sinabi ng dalawang doktor na hindi nila palalabasin ng VMMC ang mag-amang Estrada kung di nila tiyak na magaling na ang mga ito.
Nakatakda namang magsampa ng kanilang motion for reconsideration si Atty. Raymund Fortun, abogado ng mag-amang Estrada para muling igiit ang house arrest para sa kanyang mga kliyente. (Ulat ni Grace Amargo/Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest