^

Bansa

P10-M ransom bawat bihag hingi ng Sayyaf

-
Sampung milyong pisong halaga ng ransom sa bawat bihag ang hinihingi umano ng mga bandidong Abu Sayyaf kapalit ng pagpapalaya sa nalalabing hostages kabilang ang siyam na dinukot nito sa Dos Palmas resort sa Palawan.

Sa nakarating na ulat kahapon sa Armed Forces of the Philippines, sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan na ang P10M ransom demand ng mga bandido ang lumitaw sa ginagawang pakikipag-negosasyon ng itinalagang tagapamagitan ng pamahalaan sa mga bandido.

Nauna nang napaulat na nagbayad ng P25 milyong ransom money ang construction magnate at dating may-ari ng Manila Times na si Reghis Romero kapalit ng kalayaan nito at ng isa pang bihag na si Maria Rizza Santos. Ang dalawa ay kapwa nasagip ng militar matapos abandonahin ng nagsitakas na mga bandido.

Ayon sa militar, wala pa silang natatanggap na impormasyon sa umano’y pagbabayad na ito ng ransom na ginawa sa pamamagitan ng bank-to-bank ni Romero. Pero itinanggi ito ng pamilya ni Romero.

Nilinaw ni Adan na ang negosyador ay pinadala ng gobyerno para kumbinsihin ang grupo na sumuko at pakawalan ang mga bihag at hindi tatalakay sa usapin tungkol sa ransom para sa mga hostage.

Nabatid sa hindi pa makumpirmang mga report na nakikipag-negosasyon ang Abu Sayyaf sa bawat pamilya ng mga bihag lalo na iyong mga kinuha sa Palawan at humihingi ng P10 million bawat isa.

Ang natitirang Palawan captives ay kinabibilangan ng tatlong Americans na sina Gracia at Martin Burnham, Guillermo Sobero at sina Luis Bautista, Lalaine Chua, Kimbery Jao, Angie Montealegre, Francis Ganzon at Maria Fe Rosadeno, habang ang mga tinangay mula sa Lamitan ay ginamit bilang pananggalang sa pagtakas. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ANGIE MONTEALEGRE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DOS PALMAS

EDILBERTO ADAN

FRANCIS GANZON

PALAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with