Ginamit na speedboat ng hostages narekober
June 1, 2001 | 12:00am
Narekober na ng mga elemento ng Phil. Navy ang isang speedboat na sinakyan ng mga bihag sa bisinidad ng Mapun island sa pagitan ng Cagayan de Tawi-Tawi at Sulu kamakalawa dakong alas-10 ng umaga.
Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan na posibleng inabandona ng mga kidnaper ang nasabing speedboat matapos maubusan ng gasolina.
Nabatid na nanghaharang na ng maliliit na mangingisda ang mga bandidong Abu Sayyaf at sinisipsip ng mga ito ang gasolina ng kanilang maliliit na bangka base na rin sa testimonya ng mga nakawalang na hostage na mangingisda.
Narekober din ng militar ang ilang mga tag ng bag at mga personal na kagamitan sa nasabing isla.
Samantala, tiniyak naman ni Adan na ligtas nilang mababawi ang mga biktima bagamat isa sa mga hostage na si Reghis Romero na umanoy may sakit sa puso ang nasa hindi magandang kalagayan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended