^

Bansa

Recto pasok na sa Magic 13

-
Sigurado na ang pagkapanalo ni People Power Coalition (PPC) senatorial bet Ralph Recto matapos makitang unti-unti nang naungusan sa isinasagawang canvassing of votes sina Puwersa ng Masa bets Juan Ponce Enrile at Gringo Honasan.

Ayon kay Dodi Limcaoco, tagapagsalita ng PPC, hindi na matitigatig ang malaking bilang ng boto na tinamo ni Recto na nagtamo ng 10,199,894 boto sa 12th place, sumunod si Honasan, 13th place na may 10,118,945 boto habang 9,385,490 boto naman kay Enrile na pumapalo sa 14th place. Umaabot na sa 98 mula sa 102 certificate of canvass o 96.10% ang nabilang na ng Comelec.

Sa kasalukuyan ay apat na canvassing returns na lamang ang hinihintay sa PICC na magmumula umano sa Eastern Samar, Maguindanao, Lanao del Norte at Lanao del Sur.

Inaasahang aangat ng konti sina Enrile at Honasan sa Eastern Samar at Lanao del Norte, pero ito ay mababalewala sa pagpasok ng mga boto galing sa Lanao Sur at Maguindanao.

Bunga nito, sinabi ni Limcaoco na tiyak na ang pagkapanalo ni Recto at hindi na puwedeng pigilan pa ang napipintong proklamasyon ngayon ng Comelec.

Sa latest Comelec tally as of 3:00 p.m. base sa 99 certificates of canvass o 97.10% ay no.13 si Recto habang umakyat sa no.12 si Honasan. (Ulat ni Jhay Mejias)

COMELEC

DODI LIMCAOCO

EASTERN SAMAR

ENRILE

GRINGO HONASAN

HONASAN

JHAY MEJIAS

JUAN PONCE ENRILE

LANAO

LANAO SUR

MAGUINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with