^

Bansa

Aide ni Robot nasakote

-
Bumagsak sa kamay ng batas ang isang hinihinalang teroristang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na umano’y isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ni Kumander Robot makaraang lakas-loob nitong pasukin ang mismong tanggapan ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa Jolo, Sulu kamakalawa.

Nakilala ang inarestong si Amdak Jamah, isang aktibong miyembro ng ASG na nakabase sa lalawigan ng Sulu.

Nauna rito, isang mataas na opisyal sa Malakanyang ang nagsabi na dalawa nang miyembro ng Abu Sayyaf ang nalaglag sa kamay ng mga awtoridad mula ng mag-alok ang pamahalaan ng P100-milyong pabuya. Hindi binanggit ng opisyal ang pangalan ng mga nadakip.

Sa ulat na natanggap ni PNP chief director Gen. Leandro Mendoza mula kay Sr. Supt. Candido Casimiro, buo ang loob ni Jamah ng pasukin ang opisina ng NAPOLCOM na nakabase sa Camp Asturias, Jolo ng maispatan ng mga tauhan ng 3rd Special Action Force ng PNP.

Nasa aktong kinakausap ng suspek ang sang pulis ng bigla itong makilala ng mga operatiba ng Intelligence and Investigation Section ng Napolcom na miyembro ng bandidong ASG kaya agad itong dinampot.

Si Jamah ay tinukoy bilang kaalyado at aktibong kasapi ni Abu lider Ghalib Andang alyas Kumander Robot.

Pinaniniwalaang ang suspek ay nagtungo sa tanggapan ng Napolcom para maniktik matapos magpalabas ng reward na tig-P5 milyon sa bawat ulo ng mga lider.

Kabilang sa mga opisyal ng Abu Sayyaf na may patong na P5-M sa ulo sina Kumander Robot, Mujib Susukan, Abu Sabaya at Khadaffy Janjalani. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AMDAK JAMAH

CAMP ASTURIAS

CANDIDO CASIMIRO

GHALIB ANDANG

KUMANDER ROBOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with