Specila session pinasok ng mga ralista
May 28, 2001 | 12:00am
Inulan ng protesta ang unang araw na special session ng Kongreso kahapon, kung saan daang militanteng grupo ang nag-people power sa loob at labas ng House of Representatives.
Sa kabila ng mahigpit na seguridad na ipinatutupad sa loob ng Kongreso ay nalusutan sila ng mga ralista kung saan nabulabog ang session hall ng pasukin ng may siyam na ralista at magsisigaw ng pagbasura sa kontrobersiyal na Omnibus Power Bill.
Ayon sa militanteng manggagawa, ang paglusob nila sa Kamara ay para iparamdam sa mga mambabatas ang kanilang mariing pagtutol sa pagpasa ng power bill na anila’y lalong magpapahirap sa pasanin ng maliliit na manggagawa.
Ang pagpasa umano ng power bill ay magreresulta ng mataas na singil sa kuryente taliwas sa pahayag ng pamahalaan na bababa ang electricity rates.
Ayon kay Allan Eugenio, executive vice president ng Meralco Employees and Workers Association (MEWA), labis nilang tinututulan ang pagsasapribado ng National Power Corp. dahil maging sila ay maaapektuhan dahil maraming trabahador ng Meralco ang sigurado umanong matatanggal sa trabaho.
Iginiit ng mga grupo sa mga outgoing congressmen at senators na gawing makabuluhan ang gagawing pag-exit sa kani-kanilang mga tungkulin sa pamamagitan ng mahusay na pagdedesisyon sa isyu ng power bill.
Dapat umanong isipin ng lahat ng mambabatas na kapag pinasa ang power bill ay maraming maliliit na mamamayan ang maaapektuhan.
Hiniling naman ng grupong Pamalakaya na hingin muna ang tinig ng taumbayan sa isyu ng power bill.
Nangangamba ang Pamalakaya na suhulan ng malalaking korporasyon na interesado sa pag-takeover ng Napocor ang mga mambabatas kapalit ng kanilang pagsang-ayon sa ratipikasyon ng power bill.
Gayunman, imbes na talakayin ang mga panukalang batas na sinertipikahang urgent ng Malakanyang, naubos ang oras ng mga mambabatas sa pakikinig sa privilege speech ng talunang mga kandidato.
Kamakalawa ay inimbitahan ni Pangulong Arroyo ang mga kongresista para "ligawan" umano at suportahan ang isinusulong na power bill sa pamamagitan ng isang dinner sa Malakanyang na dinaluhan ng mga kongresista. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest