Alok ni Perez, gimik lang
May 24, 2001 | 12:00am
Inisnab ng oposisyong Laban ng Demokratikong Pilipino-Puwersa ng Masa ang alok ni Justice Secretary Hernando Perez na magbibigay ng abogado na titingin sa mga inirereklamong dayaan sa naganap na eleksiyon sa bansa.
Sa pahayag ni Crispin Remulla, spokesman ng LDP-PnM, hindi siya kumbinsido sa sinseridad ng alok ni Perez at sa halip ay tahasan nitong sinabing gimik lamang ito ng kalihim para iligtas ang sarili at tuluyang ma-appoint ng Commission on Appointments (CA) sa kanyang kasalukuyang puwesto.
Pinuna rin ni Remulla na ang biglang pagbabago ni Perez ay matapos luminaw na lima sa mga kandidato ng oposisyon ang tiyak nang makakapasok sa Senado kaya ito nakikipagrekonsilasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest