Noli humirit sa unang bilangan! Flavier pumapangalawa
May 15, 2001 | 12:00am
Maagang nagpakita ng kalamangan si independent senatorial candidate Noli "Kabayan" de Castro makaraang lumamang ito sa unang bugso ng bilangan ng ma kandidatong senador sa katatapos na halalan kahapon.
Alas-9:56 kagabi ay nakakuha na ng 209, 943 boto si de Castro kung saan nagpapalitan sa ikalawang puwesto sina re-electionist Juan Flavier, dating Agriculture Secretary Edgardo Angara at Sen. Franklin Drilon.
Ikinasiya naman ni Pangulong Arroyo ang ginawang masiglang paglahok ng mamamayan sa ginanap na halalan kahapon na sa kabuuan ay naging payapa at maayos.
Inaasahan ng Pangulo na mayorya ang bilang ng mga kandidato ng PPC na mananalo. Bagaman tapos na ang halalan, sinabi pa ng Pangulo na kailangan pa ring magmatyag at patuloy na magbantay sa bilangan ng boto para maiwasan ang posibleng dayaan.
Tiwala naman ang opposition Puwersa ng Masa na makukuha nila ang siyam ng 13 senatorial seats at pinayuhan ang administration party na tanggapin ang magiging resulta ng halalan.
Ayon kay PnM campaign operations coordinator Ronaldo Puno, makukuha ng opposition party ang 16 milyong boto mula sa 40 lalawigan at mahigit dalawang milyong boto naman mula sa Metro Manila.
Naniniwala si Puno na malaki ang panalo ng PnM sa senatorial elections dahil nangampanya nang husto ang kanilang mga kandidato.
Sinabi pa ni Puno na ang mga resulta ng elections sa Metro Manila ang big factor na magdedetermina kung mananalo ang oposisyon ng siyam na puwesto.
Samantala, sina Sen. Juan Ponce Enrile at Angara ang nakinabang umano sa "tampered sample ballots" ng VOT FOR D CHAMMP, ayon kay People Power Coalition campaign director Paul Aquino.
Sa isang media briefing kahapon, sinabi ni Aquino na kinumpirma sa kanya ng ilang field personnel ang pagkalat kahapon ng mga tampered sample ballots sa dalawang lugar sa Region IV at Malate, Maynila.
Isiningit umano sa mga nabanggit na tampered sample ballots ang pangalan nina Enrile at Angara. Imbes na "VOT FOR D CHAMMP" na slogan ng PPC ang nakasulat sa ipinamahaging tampered sample ballots, nakasulat dito ang VOT FOR D CHAMEA, kung saan ang huling dalawang letra ay para sa mga pangalan nina Enrile at Angara. (Mga ulat nina Malou Rongalerios,Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended