Santos papalit na DILG chief ?
May 7, 2001 | 12:00am
Ikinonsidera ng Malacañang si dating local government secretary Luis "Winchester" Santos bilang posibleng kapalit ni Interior and Local Government Secretary Jose Lina na ililipat naman sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon sa source, si Santos na kasalukuyang national president ng Kampi ang matunog na uupo sa DILG sa sandaling ipatupad ng Malacañang ang pagbalasa sa gabinete.
Nabatid pa sa source na unang plano ay gawin si Pangulong Arroyo bilang kalihim ng DILG at dahil sa tangkang pag-agaw sa Palasyo ay napisil nitong si Santos ang bagay sa nasabing puwesto.
Bukod sa pagiging World War II veteran, nagsilbi si Santos bilang hepe ng pulisya ng Davao City at naging kalihim ng nabuwag na Department of Local Government (DLG) hanggang sa magretiro.
Sa kainitan ng kudeta noong 1990, pinamunuan ni Santos ang grupo ng mga militar at pulis sa pag-aresto kay Col. Rodolfo Aguinaldo sa Tuguegarao, Cagayan.
Sinalakay noon ni Aguinaldo ang hotel Delfin at nasukol si Santos at mga tauhan nito. Ang naturang labanan ang pumatay kay Col. Oscar Florendo, na noon ay AFP spokesman. (Ulat ni Perseus Echiminada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended