Alok ng Indonesia di raw dapat ikabahala sa Peace Talk
April 21, 2001 | 12:00am
Sinabi kahapon ni Presidential Adviser on Peace Process Eduardo Ermita na hindi dapat ikabahala ng mamamayan ang alok ni Indonesian President Abdurrahman Wahid na ipagamit ang bansa nito sa usapang pangkapayapaan ng pamahalaang Pilipino at ng Moro Islamic Liberation Front.
Sinabi ni Ermita na ipinakikita lang ng Indonesia ang pakikiisa nito sa Pilipinas sa paglutas sa problema sa Mindanao bilang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations.
Sinabi naman ni Foreign Affairs Undersecretary Lauro Baja Jr. sa isang hiwalay na panayam na hindi na kailangan ni MILF Chairman Hashim Salamat at ibang lider nito ang asylum sa Indonesia na iniaalok din ni Wahid.
Sinabi ni Baja na hindi politically persecuted sina Salamat at nag-aalok na ng usapang pangkapayapaan ang pamahalaan kaya hindi na kailangan ang asylum. (Mga ulat nina Lilia Tolentino at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended