Natitirang bihag ng Sayyaf tinutukan
April 16, 2001 | 12:00am
Nagsanib na ang puwersa ng Army, Navy at Marines para masagip si Roland Ullah, ang Pilipino na natitirang bihag ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Jolo.
Inamin ng militar na mas mahihirapan silang mabawi si Ullah dahil inaasahang lalong maghihigpit dito ang Abu Sayyaf makaraang masagip noong Huwebes ang dayuhang bihag ng mga bandido na si Jeffrey Schilling .
Sinabi ni Task Force Comet Chief Brig. Gen. Romeo Dominguez na tinatayang 300 hanggang 400 ang natitirang miyembro ng Abu Sayyaf.
Si Ullah na isang diving instructor ay kabilang sa 21 dayuhan at dalawang Pilipino na kinidnap ng Abu Sayyaf sa Sipadan, Malaysia noong nakaraang taon. Sa naturang grupo, siya na lang ang hindi pa nakakalaya hanggang sa kasalukuyan. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am