^

Bansa

Benepisyo sa beterano isinumite na ni GMA sa kongreso

-
Nagsumite si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng supplementary budget sa kongreso na maglalaan ng P500 milyon o kalahating bilyong piso para dagdag na pension sa mga beterano ng bansa.

Ito ang laman ng talumpati ng Pangulo sa pagdiriwang kahapon ng ika-59 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Dambana ng Kagitingan sa Pilar, Bataan.

Sinabi ng Pangulo na nararapat lamang na suklian ng pamahalaan ng dagdag na benepisyo ang mga bayani ng digmaan dahil wala na silang kakayahan na matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Ang nasabing budget ay idaragdag sa pension ng mga beterano kaya madaragdagan ng P 500 kada taon hanggang sa umabot ito sa halagang P 5,000 ang maging buwanan nilang pension.

Inatasan din ng Pangulo ang Philippine Veterans Administration na tiyaking wala nang pekeng beterano na makakasama sa listahan ng mga tumatanggap ng pension ng pamahalaan.

Limitado aniya ang pondo ng gobyerno at ang pagkakaroon ng mga huwad na pensiyonado ay makadaragdag sa problema ng alokasyon.

Samantala pinuri rin ng Pangulo si Bataan Governor Leonardo Roman at mga opisyal ng lalawigan sa ginawang pag-unlad ng ekonomiya ng kanilang lalawigan. (Ulat nina Lilia Tolentino at Jonie Capalaran)

ARAW

BATAAN GOVERNOR LEONARDO ROMAN

DAMBANA

JONIE CAPALARAN

KAGITINGAN

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE VETERANS ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with