^

Bansa

FVR, nominado bilang Secretary General ng UN

-
Sinusuportahan ng Malacañang ang nominasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos para sa posisyong Secretary General ng United Nations kapalit ng kasalukuyang UN Secretary General Kofi Anan na nalalapit ng magtapos ang termino ng panunungkulan.

Ayon kay Presidential Spokesman at Chief of Staff Renato Corona pinaghahandaan ng pamahalaan ang pagsuporta sa nominasyon ni FVR sa darating na Oktubre.

Ang tanging makakahadlang sa nominasyon ni FVR ay ang posibilidad na hilingin ni Anan na bigyan pa siya ng panibagong termino na muling mamuno.

Sinabi ni Corona na kuwalipikado si FVR na maging UN Secretary General at may posibilidad na mamuno dahil ang nasabing puwesto na iiwan ni Anan ay nakaukol ngayon sa alinmang bansa sa Asya.

Ang Pilipinas ay nagkaroon ng karangalang makapamuno sa pamamagitan ng yumaong dating Foreign Secretary Carlos P. Romulo na naluklok ng dalawang termino bilang Secretary General ng UN. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ANG PILIPINAS

ASYA

CHIEF OF STAFF RENATO CORONA

FOREIGN SECRETARY CARLOS P

LILIA TOLENTINO

PANGULONG FIDEL V

PRESIDENTIAL SPOKESMAN

SECRETARY GENERAL

SECRETARY GENERAL KOFI ANAN

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with