NDF peace panel dumating sa bansa
April 9, 2001 | 12:00am
Dumating kahapon sa Pilipinas ang mga miyembro ng panel ng National Democratic Front na kasali sa usapang pangkapayapaan na isinusulong ng pamahalaan.
Bandang alas-5:20 ng hapon nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang punong negosyador ng NDF na si Luis Jalandoni at asawa niyang si Connie Ledesma at isa pang miyembro ng panel na si Antonio Zumel lulan ng Royal Dutch flight KLM-876 mula Armsterdam na dumaan pa sa Bangkok.
"Nagagalak ako na muling makabalik sa bansa. Sabik na sabik akong makapiling ang ating mga kababayan simula nang akoy mangibang-bansa sa loob ng 12 taon," sabi pa ni Jalandoni na tulad ng political consultant ng NDF na si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison ay nakabase sa The Netherlands.
Dadalo rin ang NDF panel sa solidarity conference na hiniling ng National Council of Churches kaugnay ng usapang pangkapayapaan. Idaraos ito sa Abril 18 o isang linggo bago simulan ang pormal na usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at ng NDF. Sinabi ng punong negosyador ng pamahalaan na si Silvestre Bello III na pagkakalooban ng police security ang apat na miyembro ng panel ng NDF.
Sinabi ni Bello na kokonsultahin ng grupo ni Jalandoni ang mga lokal na lider-komunista bukod sa pagdalo sa isang solidarity greeting.
Sinabi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kamakalawa na ang pagpapalaya ng New Peoples Army kay Philippine Army Major Noel Buan ay makakapagpabilis sa prosesong pakikipagkapayapaan sa NDF na umbrella organization ng mga maka-Kaliwang organisasyon tulad ng CPP at NPA.
Sinabi ng mga opisyal ng pamahalaan na merong immunity ang panel ni Jalandoni kaya hindi maaaring dakpin ang mga ito. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended