^

Bansa

AFP, PNP, magtutulong sa pagbabaklas ng Posters

-
Pagtutulungan ng Philippine National Police at ng Armed Forces of the Philippines ang pagbabaklas ng mga poster ng mga kandidato sa lokal at pambansang halalan na nakadikit sa mga lugar na hindi saklaw ng common poster areas na idineklara ng Commission on Elections.

Sinabi ni AFP Civil Relations Service Commanding General Brig. Gen. Jaime Canatoy na tutulong ang militar sa pulisya sa pagtatanggal ng mga poster ng mga kandidato sa mga pader lalo na sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue at ibang bahagi ng Metro Manila na nasa labas ng common poster area.

Idiniin ni Canatoy na nais lang nilang makatulong sa Comelec para mabawasan ang mga problema nito dahil sa katigasan ng ulo ng mga supporter ng ilang kandidato na nagdidikit ng nasabing mga poster. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CANATOY

CIVIL RELATIONS SERVICE COMMANDING GENERAL BRIG

COMELEC

EPIFANIO

JAIME CANATOY

JOY CANTOS

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SANTOS AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with