^

Bansa

Ceasefire sa kuwaresma pakiusap kay GMA

-
Hiniling kahapon ni Las Piñas Congressman Manuel Villar sa pamahalaan na makipagdeklara ng tigil-putukan o ceasefire sa mga rebeldeng New People’s Army at Moro Islamic Liberation Front sa Mahal na araw sa susunod na linggo.

Sinabi ni Villar na isang pagkakataon ang tigil-putukan para magunita ng taumbayan ang Semana Santa sa mapayapang paraan.

"Ako ay nananawagan sa pamahalaan na magdeklara ng tigil-putukan sa lahat ng bahagi ng bansa na may kaguluhan," sabi pa ni Villar.

Sa kaugnay na ulat, nagpahayag ng kumpiyansa si Senador Loren Legarda na matutuloy ang pagpapalaya ng NPA sa matagal na nitong bihag na si Army Major Noel Buan sa kabila ng sumasagkang mga iringan.

"Kung magiging paborable ang kundisyon, maaaring makalaya si Buan pagkatapos ng Abril 3 o bago sumapit ang Abril 8," sabi ni Legarda. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ABRIL

ARMY MAJOR NOEL BUAN

BUAN

CONGRESSMAN MANUEL VILLAR

HINILING

LAS PI

MALOU RONGALERIOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NEW PEOPLE

SEMANA SANTA

SENADOR LOREN LEGARDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with