^

Bansa

Erap grumadweyt, binati ni GMA

-
FORT DEL PILAR, Baguio City - Ginulantang ng "Erap magic" ang 88th Commencement Execise ng Philippine Military Academy kahapon at maging si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dumalo sa okasyon. Naghiyawan ang mga manonood nang umakyat sa entablado ang isa sa mga nagtapos na kadete na kapangalan ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada at nakipagkamay sa Pangulo at inabot ang kanyang diploma.

Ika-166 sa mga nagsipagtapos sa PMA Kaakibat Class 2001 si Joseph Jason Lumicao Estrada na naging dahilan ng hindi magkamayaw na pagsisigawan at palakpakan ng may 3,000 katao kasunod ng pagkakarinig sa kanyang pangalan.

Nabatid na ang Erap na palayaw ng napatalsik na pangulo ay siya ring itinawag sa nabanggit na kadete ng kanyang mga kaeskuwela. Ang 22-anyos na batang Estrada na tubong-Poblacion Aritao, Nueva Vizcaya ay mapapabilang sa Philippine Army. (Ulat ni Joy Cantos)

BAGUIO CITY

COMMENCEMENT EXECISE

ERAP

JOSEPH JASON LUMICAO ESTRADA

JOY CANTOS

KAAKIBAT CLASS

NUEVA VIZCAYA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULONG JOSEPH EJERCITO ESTRADA

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with