^

Bansa

Dagdag-bawas inuumang daw ng oposisyon

-
Kabi-kabilang panggagapang ang isinasagawa umano ngayon ng oposisyong Puwersa ng Masa para maiumang sa lalong madaling-panahon ang pinaplano nilang dagdag-bawas sa halalan sa Mayo.

Sinabi kahapon ni People Power Coalition Spokesman Dodi Limcaoco na nakatanggap sila ng impormasyon na pinaplanong mandaya ng mga kandidato ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Isinasagawa umano ng oposisyon ang plano kasunod ng resulta ng isang survey noong Pebrero 22-25 na walong kandidatong senador ng PPC ang pumasok sa magic 12 samantalang lima ang mula sa PnM. Umangat sa survey sina Wigberto Tañada, Roberto Pagdanganan, Ernesto Herrera, at Liwayway Chato samantalang palubog sina Juan Ponce Enrile, Gregorio Honasan, Orlando Mercado, Ricardo Puno at Miriam Santiago.

Sinabi ng PPC na mga datihan na raw sa usaping dagdag-bawas mula sa hanay ni Estrada ang kumikilos para makalamang ang PnM. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

ERNESTO HERRERA

GREGORIO HONASAN

JUAN PONCE ENRILE

LIWAYWAY CHATO

MIRIAM SANTIAGO

ORLANDO MERCADO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PEOPLE POWER COALITION SPOKESMAN DODI LIMCAOCO

RICARDO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with