^

Bansa

6 OFWs di lulusot sa blood money?

-
Malabong makalusot sa parusang bitay ang anim na overseas Filipino worker na nakapatay umano ng isa pang Pilipino sa Saudi Arabia kahit patawarin sila ng biyuda ng biktima at kahit magbayad sila ng blood money.

Sinabi ni National Labor Relations Commission Chairman Roy Seneres na nangangamba ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs sa Jeddah na hindi sapat ang pagbabayad ng death compensation para makalaya ang mga OFW na sina Alexander Hugo, Wilfredo Bautista, Antonio Alveza, Jaren Khalid Praxidio, Sergio Aldana, at Miguel Fernandez Jr. na naakusahang pumatay sa kababayan nilang si Jaime dela Cruz at nagnakaw sa napanalunan nitong P3.4 milyon sa iligal na loterya sa naturang bansa noong Enero 6, 1999.

Naunang napaulat na humihingi ang biyuda ni dela Cruz ng P1 milyong blood money sa bawat isa sa mga akusado bago niya patawarin ang mga ito.

Pero sinabi ni Seneres sa isang panayam na sinabihan siya ni Philippine Consul General Kadatuan Usop na posibleng ibaba pa rin ng korte ng Saudi ang parusang pagpugot sa mga akusado kahit pormal na pinatawad na sila ng asawa ng biktima.

"May mga kaso raw na inutos ng korte ang pagbitay sa isang akusado kahit nagpalabas na ng letter of pardon ang mga biktima," sabi ni Seneres.

Sa isang pakikipagpulong kay Seneres noong Huwebes ng gabi, sinabi ng mga kamag-anak ng mga akusado na pinuwersa ang anim na OFW na umamin sa krimen dahil tinorture ang mga ito ng mga awtoridad na Saudi.

Iginiit nila na walang kakayahan ang mga suspek na pumatay sa biktima bukod sa nakauwi na sa Pilipinas ang tunay na salarin. (Ulat ni Mayen Jaymalin)

vuukle comment

ALEXANDER HUGO

ANTONIO ALVEZA

CRUZ

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JAREN KHALID PRAXIDIO

MAYEN JAYMALIN

MIGUEL FERNANDEZ JR.

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISSION CHAIRMAN ROY SENERES

SENERES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with