Erap nalaglag sa entablado
March 3, 2001 | 12:00am
CAGAYAN DE ORO -- Bahagyang nasugatan si dating Pangulong Joseph Estrada nang mahulog siya at ang dalawa pang pulitiko sa isang entablado habang nangangampanya para sa mga kandidato ng oposisyon sa lungsod na ito kahapon.
Sinabi ni dating City Councilor Fernando Advincula na nasa entablado sila nina Mayor Vicente Emano at Estrada nang mahulog ang dating pangulo sa entablado na may taas na 3.3 metro (apat na talampakan).
"Mabilis ang pangyayari. Basta na lang ito bumagsak," sabi ni Advincula na nagsabing nahulog silang tatlo sa isang butas sa entablado.
Sinabi pa ni Advincula na napasunggab siya sa baywang ni Emano nang tangkain niyang pigilin ang pagkahulog niya.
Nabatid kay Congressman Constantino Jarola na nasugatan ang kaliwang paa ni Estrada nang malaglag ito sa entablado. Hindi na anya kailangan itong gamutin bagaman isinugod ang dating Pangulo sa Cagayan de Oro Provincial Capitol Hospital. Nagtalumpati kinalaunan sa balkonahe si Estrada sa harap ng mga tao.
Wala sa Cagayan de Oro City ang maybahay ni Estrada na si dating Unang Ginang Dr. Luisa Ejercito nang maganap ang insidente.
Nasa Mindanao si Estrada para ikampanya ang mga kandidatong senador ng oposisyon na kinabibilangan ng dating Unang Ginang. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest