Rep. Defensor magdedesisyon ngayon sa pagbibitiw
February 27, 2001 | 12:00am
Ihahayag ngayong araw na ito ni Housing and Urban Development Coordinating Council Secretary Mike Defensor ang kanyang desisyon kung magbibitiw siya o mananatili sa kanyang puwesto.
Sinabi ni Defensor sa isang panayam na kailangan niyang pag-isipang mabuti ang gagawin niya kasabay ng pag-amin na may mga hinihirang na tao sa kanyang tanggapan nang hindi dumadaan sa kanya.
Kabilang sa napaulat na mga opisyal na itinalaga nang hindi muna ikinonsulta kay Defensor sina Zorayda Alonzo, president ng National Home Mortgage Finance Corp.; Ed Pamintuan, general manager ng National Housing Authority, at Manny Crisostomo, general manager ng PAG-IBIG.
Pero, sa Malacañang, sinabi ni Presidential Management Staff Chief Vicky Garchitorena na humingi siya ng paumanhin kay Defensor noong Biyernes dahil sa naturang usapin. Kinapulong na rin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang dating kongresista ng Quezon City para kumbinsihin itong huwag magbitiw sa puwesto.
Inamin ni Garchitorena na nagkamali siya pero ipinaliwanag niya na nawala sa isip niya ang ganitong proseso dahil ngayon lang siya nagtrabaho sa gobyerno. (Ulat nina Marilou Rongalerios at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest