Unliquidated CA ng Comelec kinondena
February 24, 2001 | 12:00am
Umaabot sa P151 milyong cash advances na ginamit sa National Precint Mapping noong nakaraang taon ang hindi pa umano nali-liquidate ng Commission on Elections, ayon kay dating Bulacan Governor at People Power Coalition senatorial candidate Roberto Pagdanganan.
Nagpahayag din ng pangamba si Pagdanganan na maaaring magkaroon ng kaguluhan sa paghahanap ng pangalan ng mga botante sa halalan sa Mayo dahil sa NPM.
Hindi anya malayong mangyari na maulit ang operasyong dagdag-bawas na papabor sa mga kandidato ng oposisyon.
Nauna rito, nanawagan kamakalawa ang mga kinatawan ng Election Assistance Association sa Comelec na huwag nang ituloy ang NPM dahil hindi pa nila ito natatapos hanggang sa kasalukuyan.
Sinabi ni Gabriel Adalla ng EAA na gahol na sa panahon kaya mahihirapan ang kanilang mga miyembro.
Nagbabala siya na maguguluhan at malilito ang mga botante kapag itinuloy ang NPM dahil hindi nabigyan ng sapat na impormasyon ang publiko. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest