3 Pinoy kulong sa Saudi sa kasong murder at droga
February 19, 2001 | 12:00am
Tatlong overseas Filipino contract workers sa Saudi Arabia ang kasalukuyan ngayong nakakulong doon at nahaharap sa kasong murder at drug trafficking at naghihintay na lamang ng kaukulang sentensiya.
Ayon kay Atty. Gil Salceda, isa sa mga legal counsel ng Department of Foreign Affairs, ang tatlo ay sina Joselito Alejo, Romeo Cordova at Ramiro Esmiro.
Ang tatlong Pilipino ay nakakulong sa Saudi dahil sa salang pamamaslang umano sa isang mayamang Arabo sa Al Malaz, Riyadh na nagngangalang Al Fajad Oteibe. Bukod pa rito, nasangkot rin ang tatlo sa drug trafficking sa naturang bansa noong Agosto, 1997.
Ayon na rin kay Salceda, kasalukuyan na umanong nagsasagawa ng kumunikasyon si Philippine Ambassador for Saudi Arabia na si Ambassador Rafael Seguis sa abogadong humahawak sa kanilang mga kaso na si Atty. Naseer Dandani upang makipag-ugnayan sa Saudi authority.
Ninanais ng embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia na madaliin ang pagdinig ng kaso ng tatlo.
Kasabay nito ay muling nilinaw ng DFA ang naiulat sa ilang mga pahayagan na umanoy pinababaan na ng sentensiyang kamatayan sina Alejo, Cordova at Esmiro.
Aniyay wala ito umanong katotohanan. Sa kasalukuyan ay naghihintay pa rin ang tatlo sa kahihinatnan ng kanilang kaso. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended